-- Advertisements --

Itinalaga ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. si dating Agriculture Secretary Domingo Panganiban bilang undersecretary ng ahensya.

Matatandaang si Panganiban ay dating naging kalihim ng DA sa ilalim ng administrasyon nina dating Pangulong Joseph Estrada at dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo.

Sinabi ng punong ehekutibo na malawak ang karanasan ni Panganiban sa sektor ng agrikultura at tiwala siyang malaki ang maitutulong nito para lalo pang maiangat ang mga programa at produksyon sa sektor ng mga magsasaka.

Ipinaabot ng Pangulo ang pagbati sa kanyang bagong appointee at umaasang magiging katuwang ito sa pagpapaangat sa sektor ng Agrikultura na kanyang pinamumunuan.