-- Advertisements --
Nakalaya na mula sa Miami federal prison ang dating White House adviser ni ex-President Donald Trump na si Peter Navarro.
Natapos na kasi nito ang kaniyang apat na buwang sentensiya dahil sa pagbalewala sa imbestigasyon ng congressional committee ukol sa kaguluhan sa US Capitol noong Enero 6.
Inaasahan na magtutungo ito agad sa Milwaukee para dumalo sa Republican National Convention kung saan pormal ng nominado si Trump.
Si Navarro ay isa sa dalawang miyembro ng gabinete ni Trump na ipinakulong dahil sa pagbalewala sa subpoena ng dating House Select Committee na nag-iimbestiga sa Enero 6, 2021 na insurrection.
Ang una ay si Steve Bannon na nagsilbi ng kaniyang apat na buwang hatol sa federal prison sa Connecticut.