-- Advertisements --

Nabawi na ng mga divers ang data recorder mula sa barko na bumangga sa Francis Scott Key Bridge sa Baltimore.

Ang nasabing data recorder ay bahagi ng ebedensya ng mga otoridad para malaman ang dahilan ng Singapore-flagged na Dali kung ano ang sanhi ng pagbangga nito.

Nakilala na rin ng mga otoridad ang dalawa sa anim na biktima na pinaghahanap na pinaniniwalaang nasawi na rin.

Kinilala ang mga ito na sina Miguel Luna mula sa El Salvador at Mynor Suazo Sandoval na isang Honduran citizen.

Sinabi naman ni US Secretary of Transportation, Pete Buttigieg na may sariling imbestigasyon na isinagawa rin ang National Transportation Safety Board ukol sa nangyaring insidente.

Una ng sinabi ni US President Joe Biden na isang aksidente lamang ang nangyari at hindi sinadya.