NAGA CITY – Nakatakdang mamahagi ng mga certificates of land ownership award (CLOA) at mga makinaryang pangsaka si Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Brother John Castriciones sa mga magsasaka sa Albay at Camarines Sur sa Agosto 18 at 19.

lands DAR agrarian reform

Ayon kay DAR-Bicol regional director Rodrigo Realubit, pangungunahan ni Brother John ang pamamahagi ng 162 CLOA sa 137 na mga agrarian reform beneficiaries (ARBs) mula sa munisipalidad ng Bula, Baao at Bato sa Camarines Sur.

Isiniwalat din ni Realubit na sa pagbisita ng kalihim, ito mismo ang magbibigay ng mga makinaryang pangsaka sa 12 mga agrarian reform beneficiaries organisations (ARBOs) bilang suportang serbisyo sa ilalim ng Agrarian Reform Beneficiaries Development and Sustainability Program (ARBDSP) ng ahensya.

Makailang beses naman nang bumisita si Brother John sa rehiyon upang magpamahagi ng mga CLOA at magkaloob ng mga suportang serbisyo upang mapabuti at maitaas ang kalidad ng buhay ng mga magsasaka bilang layunin ng Comprehensive Agrarian Reform Program (CARP).