Kinumpirma ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Bernie Cruz na ang makakaliwang grupo ang nasa likod ng nangyaring land dispute kung saan nasa 93 indibdiwal ang inaresto sa Hacienda Tinang sa Tarlac.
Sinabi din ng kalihim na ang mga grupong ito ay nag-reach out kay outgoing Vice President Leni Robredo na nauna ng binatikos ang mass arrest sa mga indibidwal.
Subalit naniniwala si Cruz na namisinformed lamang ang bise-presidente sa naturang insidente kaya ito ngalabas ng statement noong nakalipas na linggo.
Iginiit din ni Cruz na dapat na kausapin muna ang mga taong sangkot bago sila husgahan dahil ginagawa lamang din ng Department of Agrarian Reforms ang kanilang tungkulin at patuloy din nilanb isasagawa ang kanilang mandato para matulungan ang ating bansa.
Sinabi ni Cruz na kailangan pang antayin ng nasa 235 na benepisyaryo ng collective certificates ng land ownership award ang kanialng validated report na target mailabas ngayong linggo ang lsitahan ng mga land beneficiaries.
Kasabay nito, umapela si cruz na huwag na gawing kasangkapan ang mga magsasagawa para sa kanilang political agenda.
Ginawa ni Cruz ang naturang panawagan matapos na arestuhin ng mga otoridad ang nasa 93 indibidwal na kinabibilangan ng mga magsasaka, estudyante, mamamahayag at dayuhan na tinawag na ‘Tinang 93″ na nakibahagi umano sa isang aktibidad ng land dispute sa Hacienda Tinang, Tarlac.
Pero paliwanag ng Urban poor group na Kadamay, nagsagawa ng “bungkalan” o land cultivation ang mga volunteers noong nakalipas na araw ng Huwebes sa Conception , Tarlac para ipakita ang kanilan pakikiisa sa mga magsasaka para mabawi ang luupa na iginawad ng DAR sa kanila noong 1995.