-- Advertisements --

Isinusulong ni Department of Agrarian Reform (DAR) Secretary Conrado Estrella III ang pagkain ng karne ng rabbit o koneho.

Ayon sa kalihim na ang ito ang pinakamurang pagkukuhanan ng mga protena ng mga Pinoy.

Dagdag pa nito na mayroong maliit lamang na lugar ang kailangan kung ikumpara sa mga poultry o piggery ganun din ay hindi kailangan ng malakihang kapital.

Ang nasabing mungkahi ay kaniya ng ibinahagi sa kanilang mga benepesaryo.

Una ng hinikayat ng Department of Agriculture ang pagkain ng karne ng rabbit noong panahon na nagkukulang ang suplay ng karne ng baboy dahil sa pananalasa ng African swine fever.