-- Advertisements --
Aabot na sa P185 million ang pinsalang idinulot ng Bagyong Ambo sa fisheries sector pa lamang, ayon sa Department of Agriculture (DA).
Base sa inisyal na datos na inilabas ng DA, ang danyos na idinulot ng Bagyong Ambo ay tinatayang P185.83 million hanggang alas-3:00 kahapon, Mayo 16.
Kabuuang 9,977 ektarya ng agricultural areas ang napinsala kung saan 40,872 magsasaka ang apektado.
Nangangahulugan lamang ito ayon sa DA na 10,366 metric tons ng bigas ang tinataya nilang napinsala ng bagyo.
Samantala, pagdating naman sa aquaculture, sinabi ng DA na tinatayang P541,400 ang halaga ng danyos, kung saan P262,500 dito ay naitala sa Camarines Norte lamang.