Nabigo si Daniel Patrick Caluag na maidepensa ang kanyang korona sa Men’s BMX finals sa nagpapatuloy na 18th Asian Games sa Indonesia.

Ito ay makaraang magkasya lamang sa ikatlong puwesto ang Olympian para ibigay sa Pilipinas ang ikapitong bronze medal.

Nabigo si Caluag (35.82 seconds) sa kanyang kampanya matapos na humaraang sa kanyang back-to-back attempt na makuha muli ang gold medal ang atleta ang Japan na si Nagasako Yoshitaku (33.669 seconds) na nanguna sa kompetisyon at ang pumangalawa na si Gusti Bagus Saputra ng Indonesia (34.314), na pinalakas ang loob ng home crowd.

Kung maalala noong 2014 Incheon Asian Games sa South Korea tanging si Caluag lamang ang nakasungkit ng gold medal para sa Pilipinas.

Matapos naman ang kompetisyon aminado si Caluag na hindi niya ginusto ang kinalabasan ng kanyang laban, pero masaya na rin siya sa medal finish kahit papaano.