-- Advertisements --

Pinasalamatan ni Daniel Padilla ang kanyang ex-girlfriend na si Kathryn Bernardo sa maraming taon na kanilang pinagsamahan.

Hinding-hindi umano mawawala sa puso ng aktor ang magagandang memories, adventures, at journeys na kanilang pinagsamahan.

Ipinaabot din ni Daniel ang pasasalamat sa kanilang fans dahil sa pagmamahal ng mga ito at pagsama sa kanila ni Kathryn. Hindi umano niya makakalimutan ang masasayang ala-ala na kasama niya ang mga ito. Lahat daw ng mga ito ay good memories at wala aniyang makakatalo rito. Para kay Daniel, wala pa rin fans club ang makakatalo sa KathNiel.

Matatandaan na kinumpirma ng dalawa sa kanilang social media post ang kanilang hiwalayan matapos ang labing-isang taon na pagiging magka-relasyon.