Tinapos na ng Brazilian-Japanese actor na si Daniel Matsunaga ang mga ispekulasyon kaugnay sa umano’y hiwalayan nila ng Polish girlfriend.
Ayon kay Matsunaga, totoong nauwi na sa hiwalayan ang dalawang taong relasyon nila ng kapwa modelo.
Wala namang binanggit na dahilan ang 31-year-old actor na nakabase sa Pilipinas.
October 2017 nang kumpirmahin ni Matsunaga ang romantic relationship nila ng ngayo’y 22-anyos na si Karolina Pisarek.
Pero sa kanilang unang taong anibersaryo pa lamang, kumpiyansa si Daniel na magtatagal ang kanilang “long-distance relationship.”
“I think she’s the one. We pray every day, together. I guess, the base of our relationship should always be prayers and putting God in front of everything… She’s back to Poland. We keep in touch most of the time through videos and text and call. We always try to adjust to each other,” saad nito sa dating panayam ng pep.
Bago si Karolina, kabilang sa mga Pinay celebrity na naging kasintahan ni Daniel ay sina Heart Evangelista at Erich Gonzales. (cosmo photo)