-- Advertisements --
Nagtamo ng bahagyang sira ang Nova Khakovka dam sa southern Ukraine dahil sa patuloy na pag-atake ng Russia.
Dahil dito ay pinalikas ng mga otoridad ang mga residente na malapit sa dam.
Sinabi ni Ukrainian presidential aide Mykhaylo Podolyak na isang uri ng terorismo ang ginawa ng Russia para makagawa ng harang sa mga opensiba ng mga sundalo ng Ukraine.
Binaha naman ang ilang kalapit na lugar ng nasabing dam kung saan nasa 16,000 na mga residente ang pinalikas.
Ang nasabing dam ay nakubkob ng Russia mula ng simulan ang atake na ito ay nagsusuplay ng tubig sa Crimean peninsula.