Pinagmulta ng National Basketball Association ang Dallas Mavericks sa halagang $750,000 o katumbas ng P41.5M.
Ito ay kasunod ng naging desisyon ng Dallas na pagpahingahin muna ang kanilang mga star at roleplayers sa pagtatapos ng NBA Regular Season.
Sa kanilang dalawang pinakahuling game kasi, hindi na naglaro ang kanilang point guard na si Kyrie Irving habang ang kanilang leading scorer na si Luka Doncic ay sa mga unang quarter lamang naglaro. Maging ang iba pang mga role players ng koponan ay nakaupo lang sa kabuuan ng game.
Sa naging paliwanag ng NBA, nilabag ng Dallas ang ‘resting policy’ ng liga upang hayagang matalo sila ng ibang mga koponan at hindi na makapasok pa sa Play-in Tournament.
Kung naipanalo sana kasi ng Dallas ang dalawang huling games nito, maaari pa silang makapasok sa Play-in.
Batay pa sa naging statement ng NBA, posibleng sinadya ng Dallas na hindi makapasok sa Postseason ngayong taon dahil sa posibilidad na makakuha sila ng mga top picks sa susunod na NBA Draft.