-- Advertisements --
Inihayag ng Philippine Coast Guard (PCG) na dalawang tangke sa lumubog na MT Princess Empress ang nanatiling buo na may langis sa mga ito, at ang mga ito ay bubutasan sa susunod na linggo upang sipsipin.
Gayunpaman, hindi pa matukoy ng salvage operators kung mayroon pa ring langis na kailangang masipsip mula sa iba pang mga tangke.
Sinabi ng National Task Force (NTF) Oil Spill na nakatakda na ang lahat para sa panghuling cleanup operations sa Oriental Mindoro na aabot ng 20 hanggang 30 araw.
Ayon sa NTF, ang Dynamic Support Vessel na “Fire Opal” ay sinimulan nang sipsipinang natitirang langis mula sa lumubog na MT Princess Empress.
Sinabi ni PCG Spokesperson Armando Balilo na ang cleanup operations ay nakatakdang matapos sa Hunyo 19.