NAGA CITY- Patay ang isang dalaga matapos uminom ng insecticide sa Barangay San Nicolas, Iriga City.

Kinilala ang biktima na si Annie Villamer, 25-anyos.

Sa nakalap na impormasyon ng Bombo Radyo Naga mula sa kapulisan, nabatid na naabutan na lamang ng ina ang dalaga na nakahandusay sa loob ng bahay at bumubula na ang bibig.

Agad namang itinakbo sa ospital ang biktima ngunit idineklara nang dead on arrival ng mga doktor.

Samantala sa inisyal na imbestigasyon ng mga otoridad, natagpuan ang isang suicide note sa bag ng biktima at malathion na pinaniniwalaang ininom nito.

Sa ngayon, nagpapatuloy pa ang imbestigasyon ng mga otoridad hinggil sa nasabing pangyayari.