-- Advertisements --
BUTUAN CITY – Nahaharap ngayon sa reklamong paglabag sa Bayanihan to Heal as One Act sa Bayugan City Prosecutors Office sa Agusan del Sur ang isang 18-anyos na dalaga.
Inaresto si Arjun Bauro sa kanyang tirahan sa Brgy. Taglatawan, Bayugan City kahapon ng alas-10:00 ng umaga dahil sa pag-post sa social media hinggil sa umano’y COVID-19 cases sa lungsod.
Inamin ng suspek na siya ang nasa likod ng nasitang social media account, pero pinabulaanan niya na mali ang impormasyon na kanyang ibinahagi sa social media account.
Patuloy naman ang ginagawang cyber space patrolling ng Regional Anti-Cyber Crime Unit 13 upang panagutin ang sinumang nagpapakalat ng maling impormasyon sa social media account para magdulot ng panic sa publiko.