-- Advertisements --

Inalmahan ni Dagupan Mayor Belen Fernandez ang umano’y “walang puso at Anti-Poor” na budget ng Sangguniang Panglungsod at ang matinding pagkaantala sa pag-apruba ng pondo.

Sa opisyal na opisyal na Facebook page ng Alkalde, isinulat nito kung paano ng tinaguriang “7 Majority” na walang awang nagbawas ng mga pondo para sa edukasyon, kalusugan, at mga serbisyo sa pag-order ng trabaho na itinuturing na “irrelevant.”

Ayon pa sa alkalde ang 7 Majority ay ang pitong konsehal na umano’y kaalyado ng katunggali niya sa pulitika na natalo nuong nakaraang halalan.

Ayon kay Fernandez, mahigit 2,500 scholars, halos 770 job order employees, at dose-dosenang volunteer healthcare frontliners sa 31 barangays ang maaapektuhan ng mga cut.

“Mayayaman po ang mga miyembro ng 7 Majority. Paano kaya nila nagagawang magdamot, at kung paano rin kaya naging “Irrelevant” sa kanila ang mga napapanahong programa at proyektong para sa mahihirap nating kabaleyan?” pahayag ni Mayor Fernandez.

Hinimok ng alkalde sa mga councilors na isantabi ang pulitika at aprubahan ang budget para sa mga constituents ng siyudad.

“Hindi man pareho ang aming naging pananaw, subalit bakit kinailangan pa nilang ipahiya ako sa kanilang mga sesyon?” she wrote, referring to her having to face the City Council three times to defend the budget,” wika ni Mayor Fernandez.
Naniniwala ang alkalde na hindi makatarungan na idamay nila sa pulitika ang mga inosenteng ‘would-be scholars’, at sibakin sa serbisyo ang mga empleyado at volunteers.

Inihayag pa ng alkalde na siya ay nakikiusap na sa council na ipasa ang kanilang budget dahil anim na buwan na itong delayed.

Batay sa ulat ng Department of Interior and Local Government (DILG), ang Dagupan City ang siyang huling LGU sa Region 1 upang maaprubahan ang kanilang budget.