-- Advertisements --

BOMBO DAGUPAN – Laglag sa top 20 ang lungsod ng Dagupan sa may pinakamalakas na internet connection sa buong lalawigan ng Pangasinan.

Ayon sa datos na isinaad ni Wilson Chua, ang siyang Managing Director at co-founder ng BITSTOP Incorporated, sa naging panayam ng Bombo Radyo Dagupan, pang 24 ang Dagupan sa Top 20 na mga lugar dito sa lalawigan na mayroong maayos na koneksyon kung saan nangunguna rito ang bayan ng Villasis na mayroong 148 mbps kumpara sa Dagupan na mayroon lamang 18 mbps.

Ipinapakita sa nasabing datos, na mas lamang ang mga bayan ng Pozorrubio, Tayug at Asingan kaysa sa Dagupan.

Base sa kanilang pag-aaral, ang dumaraming users ang tinukoy na dahilan ni Chua kung bakit pabagal nang pabagal ang takbo ng internet ay dahil dumarami aniya ang mga subscribers ngunit hindi rito sumasabay sa bilang ng bandwidth na kanilang naibibigay, magkakaroon talaga ng pagbagsak sa bilis nito.

Ipinunto ni Chua na oras na upang pag-ukulan ng pansin ng liderato ng lungod ng Dagupan at chamber of commerce pati na ang academic institutions ng syudad ang naturang problema dahil bilang isang key competitive advantage para sa larangan ng negosyo at edukasyon ang pagkakaroon ng mabilis na internet connection, hindi ito pwedeng pabayaan.