-- Advertisements --

Kinumpirma ng Civil Aeronautics Board (CAB) na nakatakdang tumaas ang pasahe sa eroplano sa susunod na buwan dulot ng pagsipa ng presyo ng jet fuel.

Nitong nakalipas na Mayo ay pumalo sa $163 dollars per barrel ang presyo ng aviation fuel na mahigit doble ng $78 dollars per barrel noong 2021.

Sinabi ng CAB na ang applicable fuel surcharge ay tinutukoy base sa isang buwang average ng jet fuel Mean of Platts Singapore prices sa peso-per-liter equivalent.

Maaari anilang umabot sa Level 11 ang presyo sa Hulyo mula sa kasalukuyang Level 7 sa fuel surcharge matrix.

Sa ilalim ng Level 11, makakakolekta ang airline companies ng surcharge mula ₱355 hanggang ₱1,038 bawat pasahero para sa isang one-way domestic flight.

Aabot ng ₱1,172 hanggang ₱8,714.8 naman ang posibleng bayaran para sa international flights depende sa layo ng biyahe.

Umaasa naman ang CAB na hindi na ito aabot sa maximum fuel surcharge na level 20 bagama’t patuloy na tumataas ang presyo ng langis sa world market.