-- Advertisements --
image 202

Nagpahayag ng kahandaan ang Philippine National Police sa pagbibigay ng kinakailangang seguridad para sa pagbisita ni US Vice President Kamala Harris sa Pilipinas.

Ayon kay Philippine National Police Spokesperson PCol. Jean Fajardo, bagama’t ang Presidential Security Group (PSG) ang overall in charge pagdating sa securiry preparation para sa nalalapit na pagbisita ni Harris sa bansa ay tutulong pa rin aniya ang pambansang pulisya rito para sa mas maayos na paglalatag ng seguridad.

Aniya, sa ngayon ay mayroon nang security plan na inihanda ang Presidential Security Group ukol sa nasabing pagbisita ng mataas na opisyal ng Estados Unidos.

Sa Nobyembre 21, nakatakdang makipagpulong si Harris kay Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at Vice President Sara Duterte bilang bahagi ng pagpapaigting pa sa security at economic ties ng Pilipinas at Amerika