-- Advertisements --

Nakatakdang magpatupad ng dagdag presyo ang mga kumpanya ng langis ngayong linggo.

Maglalaro sa P0.50 – P0.60 sa kada litro ng gasolina at P0.60-P0.70 sa kada litro ng diesel.

Mayroon namang P0.80 – P0.90 sa kada litro ng kerosene ang itataas.

Inaasahan na sa araw ng Martes Abril 20 ang pagpapatupad ng panibagong dagdag presyo sa langis.