-- Advertisements --

BUTUAN CITY – Darating na ngayong ala-1:00 ng hapon sa Bancasi Airport sa Lungsod ng Butuan ang unang batch ng natitira pang mahigit 4,000 Caraganon Overseas Filipino Workers (OFWs) na nasa Cebu City at Metro Manila.

Sa eksklusibong panayam ng Bombo Radyo Butuan, inihayag ni Dr. Charito “Ching” Plaza, ang Butuanon director general ng Philippine Economic Zone Authority (PEZA), na ang pagpapauwi sa kanila ay matapos ang 10 linggong pagkaka-stranded sa mga quarantine facilities sa Metro Manila at Cebu City ay ginawa matapos itong iutos ni Pangulong Rodrigo Duterte.

Ang nasabing mga OFW ay masusundan pa bukas ng umaga at sa Huwebes na mula sa Maynila hanggang sa Mayo 30, kung saang 800 pa kasama na ang mga seafarer ang huling uuwi sakay ng barko na dadaong sa pier ng Nasipit, Agusan del Norte.

Kaagad naman silang susunduin ng mga service vehicles na kinomisyon ng kani-kanilang local government units para naman sa gagawing local quarantine.