-- Advertisements --
image 63

Ipinadala ng Philippine National Police ang Explosive Ordinance Disposal and Canine Group nito sa lalawigan ng Maguindanao para tumulong sa isinasagawang search and retrieval operation sa mga biktima ng bagyong Paeng.

Ayon kay PNP chief PGen. Rodolfo Azurin Jr., katuwang ang iba pang law enforcement agencies ay inatasan ang naturang grupo na magpaabot ng tulong lalo na sa mga miyembro ng Teduray ethnic community sa Maguindanao na lubhang naapektuhan ng nasabing kalamidad sa ilalim ng pamamahala ni Acting Director, Police Colonel Albert Magno

Aniya, malaki ang papel na gagampanan nito dahil bihasa na raw ito pagdating sa mga malalaking operasyon.

Samantala, sa huli ay pinuri at pinasalamatan naman ang PNP chief sa PNP-EOD and K9 group dahil sa patuloy nitong sakripisyo at dedikasyon sa tungkuling magsilbi sa publiko sa gitna ng mapanghamong panahon na kinakaharap ng bansa ngayon.

Kung maaalala, batay sa pinakahuling datos ng National Disaster Risk Reduction and Management Council ay nasa 17 pa ang mga indibidwal na kasalukuyang nawawala at pinaghahahanap sa Maguindanao.