-- Advertisements --

Naglabas na ng direktiba ang Philippine National Police (PNP), para dagdagan sa local level ang mga pulis na itatalaga sa mga pamilihan.

Layunin nitong maaresto na ang mga patuloy na lumalabag sa social distancing, lalo na ang mga nagsisiksikan sa mga palengke.

Ayon kay PNP spokesman Police Brigadier General Bernard Banac, agad na pinakilos ng PNP ang kanilang mga tauhan sa ground matapos makatanggap ng buhos ng sumbong ukol sa mga lumalabag sa mga quarantine protocols ukol sa pag-iwas sa COVID-19.

Isa na rito ang naging sitwasyon sa Balintawak Market na nagmistulang piyesta sa dami ng tao.

Base sa direktiba ng PNP, huhulihin at kakasuhan ang mga violators dahil hindi na umano kulang ang ilang linggong paulit-ulit na warning para sa mga ito.