-- Advertisements --
Hindi apektado ang Bureau of Fire Protection (BFP) sa kakulangan ng mga fire trucks sa buong bansa.
Ayon kay Fire Supt. Anthony Arroyo, ang taga-pagsalita ng BFP, na kahit kulang ang kanilang mga fire trucks ay natutugunan pa rin ng tama ang kanilang trabaho.
Dagdag pa nito na pinagkakasya nila ang mga kagamitan at natitiyak niya na hindi magiging balakid sa kanila ang nasabing kakulangan ng firetrucks.
Maguguntiang inamin ni Interior Secretary Jonvic Remulla na nagkaroon ng problema sa pagdeliver ng mga firetrucks dahil sa ginagawa nilang imbestigasyon laban sa nagaganap na kurapsyon sa loob ng ahensya.
















