-- Advertisements --
Inilunsad na ng Department of Trade and Industry (DTI) ang P2-Bilyon na loan facility para sa pagsisimula muli ng mga umuwing overseas Filipino workers (OFW).
Ayon sa DTI na naibahagi na nila ang P2.9 milyon na inisyal na pautang sa 11 mga OFW.
Hinikayat ni DTI Secretary Cristina Roque ang mga OFW na samantalahin ang nasabing tulong na ito ng gobyerno.
Sa ilalim ng OFW Negosyo Fund ang mga OFW na umuwi na mayroong mahigit isang taon na karanasan sa pagpapatakbo ng negosyo ay maaring humiram ng mula P30,000 hanggang P20-M depende sa pangangailangan.
















