-- Advertisements --

Humiling ang Land Transportation Office (LTO) sa susunod na administrasyon ng dagdag na pondo para sa paggawa ng plaka.

Ito ay sa kadahilanang nasa 11 milyon na ang backlog ng LTO sa paggawa ng plaka ng motorsiklo.

Sa isang press conference ay sinabi ni Department of Transportation, LTO chief Assistant Secretary Edgar Galvante na sa ngayon ay nasa pitong milyong plaka na ang kanilang natapos at umaasa pa aniya sila na maglalaan pa ng dagdag na pondo ang Marcos administration para rito.

Patuloy kasi aniyang nadadagdagan at dumadami ang mga indibidwal na bumibili ng motor kada taon na may average increase na P1.2 milyon hanggang P1.3 milyon dahilan kung bakit kinakailangan din nilang magtrabaho ng overtime upang mahabol ito.

Matatandaan na una nang humingi si Galvante ng P2.6 bilyon para tugunan ang backlog ng kagawaran dahil sa naging problema nito kabilang na ang outsourcing ng produksyon ng mga plaka dahil hindi sa kawalan ng kakayahan ng mga planta sa bansa na tugunan ang paggawa ng plaka.