-- Advertisements --
Tiniyak ng liderato ng Senado na maisasama sa Bayanihan to Recover as One Act ang mga benepisyong inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte para sa medical frontliners.
Kabilang na rito ang P15,000 na ayuda sa mga nadadapuan ng COVID-19, kahit mild type lamang ito.
Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, ihahabol pa rin nila ang naturang tulong kahit pasado na sa pinal na pagbasa ang Bayanihan II.
Kung hindi man aniya ito maisama sa bersyon ng Kamara, isasalang naman nila iyon para sa agenda ng bicameral conference committee.
Samantala, simula bukas ay suspendido na ang sesyon ng mataas na kapulungan ng Kongreso at magbabalik na lang ito sa Agosto 18, 2020.










