Inanunsyo ng Cebu Pacific Air na magdadagdag ito ng schedule para sa mga domestic flights simula Hunyo 8, 2020 bilang isa sa mga hakbang ng kumpanya upang tulungan ang ekonomiya ng Pilipinas mula sa pagsadsad nito dahil sa coronavirus pandemic.

Maaaring bumisita sa official website ng airline upang magbook ng flights at para na rin makita ang mga flight details. Mayroon ding libreng CEBI Flexi na inaalok ang kumpanya kung saan mas magiging madali para sa mga pasahero ang mag-rebook ng kanilang flights ng hanggang dalawang beses.

Para naman sa mga tao na may existing bookings ay papayagan silang magrebook sa pamamagitan ng “Manage Booking” page sa website ng Cebu Pacific.

Narito ang additional domestic flights schedule:

cebu pac added flights