-- Advertisements --
Sinimulan na ng mga kumpanya ng langis na ipatupad ang dagdag-bawas sa presyo ng kanilang mga produkto.
Mayroong P1.25 na bawas ang kada litro ng diesel habang mayroong P1.20 sa kada litro naman ng kerosene.
Magtataas naman ang gasolina ng P0.45 sa kada litro nito.
Sinabi ni Department of Energy-Oil Industry Management Bureau Assistant Director Rodela Romero, na ang pagbabago ng nasabing presyo ng mga produktong langis ay dahil sa patuloy na ginagawang pag-uusap ng maraming bansa para hindi na lumala pa ang giyera sa pagitan ng Israel at mga Hamas militants.