KORONADAL CIY – Inilarawan ng Pinay na 5 years resident na sa Daegu city, South Korea ang kanilang lugar bilang “Araw ng mga patay” dahil sa halos hindi na naglalabasan ang mga tao matapos na makumpirma ang mahigit 1000 kaso ng COVID-19.

Ito ang inihayag ni Bombo International Correspondent Natasha Kris Orias na kasalukuyang naninirahan sa Daegu City at nakapangasawa ng Korean national na taga lungsod ng Davao.

Ayon kay Natasha, parang higit pa umano sa “ghost town” ang kanilang lugar sa ngayon lalo na at nasa mahigit 20,000 na rin ang suspected na nahawaan ng coronavirus base sa inilabas na data ng kanilang health authorities.

Kwento pa ni Natasha, ang 61 taong gulang na babae na church goer na naging positibo sa COVID-19 ang itinuturing na “super spreader” dahil halos isang congregation na ang nahawaan nito.

Apektado na rin umano ang trabaho ng daan-daang mga pinoy factory workers doon dahil sa COVID-19.

-- Advertisement --

Napag-alaman na ang Daegu city ay siyang sentro ng mga malalaking fatories sa nasabing bansa.

Sa ngayon, maraming Pinoy umano sa kanilang lugar ang nababahala sa ipinatupad na travel ban dahil plano na sana umano nilang umuwi sa bansa.

Maging si Natasha ay nakatakda na rin sanang umuwi sa Pilipinas sa darating na buwan ng Marso.