Makakatanggap ng P5,000 tulong pinansiyal ang daan-daang pamilya na apektado ng nagpapatuloy na pag-alburuto ng ulkang Mayon sa lalawigan ng Albay mula sa special fund ni House Speaker Martin Romualdez.
Ayon kay Albay Rep. Joey Salceda ang mga inilikas na pamilya sa Legazpi city, Daraga at Camalig ay makakatanggap ng P5,000 bawat isa.
Sa distrito aniya ni Cong. Salceda nasa 1,844 pamilya ang nakatakdang mabigyan ng cash aid, 910 pamilya sa Daraga at 934 pamilya naman sa Camalig.
Namahagi din ang mambabatas ng 31,000 food packs sa daan-daang evacuees.
Una rito, ginawa ng mambabatas ang pahayag kasabay ng isinagawa payout kasama ang Department of Social Welfare and Development para sa mga inilikas pansamantala sa Comun Elementary School sa Camalig.