-- Advertisements --

CAUAYAN CITY – Daan-daang pamilya sa Northern Isabela ang inilikas dahil sa nagaganap na pagbaha dulot ng mga nararanasang pag-ulan.

Sa nakuhang impormasyon ng Bombo Radyo Cauayan patuloy ang monitoring ng pamahalaang lungsod ng Ilagan sa mga nararanasang pag-ulan at batay sa talaan ng City Social Welfare and Development Office (CSWDO) ay nasa 181 na pamilya mula sa iba’t ibang barangay ang inilikas.

floods Isabela vicky

Nagsagawa rin ng preemptive evacuation sa Sta. Maria, Isabela sa tinatayang 32 na pamilya o 114 individual na mula sa mga Brgy ng Quinagabian, Brgy. San Rafael East, Brgy. San Rafael West at Brgy Mozzozzin Sur.

Ang mga evacuees ay dinala sa Municipal Gym, Poblacion 1, Santa Maria.

Labing siyam na pamilya o 64 katao ang inilikas sa Community Center sa Barangay Poblacion na mula sa Brgy. Guminga, San Pablo.

Sa Cabagan ay nasa evacuation center ang 76 pamilya o mahigit 200 katao na mula limang mga flood prone areas ng nasabing bayan.

Nasa apat na pamilya nasa Evacuation center sa San Antonio National High School sa Delfin Albano, Isabela.

Sa Tumauini Isabela ay nasa 19 pamilya o 102 katao ang inilikas na nasa iba’t ibang evacuation centers.

Bukod sa mga pulis na nagbabantay sa mga itinalagang evacuation centers ng iba’t ibang mga LGU sa Northern Isabela ay mayroong mga kasapi ng health cluster na susubaybay sa kalusugan ng mga evacuees at titiyak na maipatupad ang mga health protocols kontra COVID-19.

Cauayan ISabela floods vicky