-- Advertisements --
image 127

Sisimulan na bukas, Agosto-8 ang pagtatayo ng mga karagdagang proyektong pabahay sa mga Lungsod ng Pasig at Navotas.

Batay sa opisyal na plano ng National Housing Authority, itatayo sa Brgy Sta Lucia, Pasig City ang dalawang low rise building na may tig-limang palapag.

Ang dalawang nabanggit na building ay bubuo sa 108 units para sa mga mahihirap na pamilya sa Metro Manila.

Bahagi rin nito ang pagpapatayo ng limang iba pang mga karagdagang gusali na magbibigay ng kabuuang 420 units ng pabahay para sa mga mahihirap na pamilya.

Sa bahagi naman ng Navotas, 24 na building ang ipapatayo sa Brgy Tanza. Bawat building ay limang palapag ang taas.

Inaasahang makapagbibigay ito ng 1,440 housing units

Target na maging benepisyaryo dito ay yaong mga informal settlers sa dalawang nabanggit na lunsod.

Mas marami namang housing units ang inaasahang ipapatayo sa mga susunod pang mga araw, sa ilalim ng Pabahay Program ng pamahalaan.