Nakauwi na sa Estados Unidos ang halos 300 American nationals matapos isailalim ang mga ito sa 14 days quarantine sa Japan.

Sinalubong ng ground crew na naka-suot ng anti-contamination suits ang eroplano na lumapag sa Joint Base San Antonio sa Texas kung saan pansamantalang mamamalagi ang mga inilikas mula sa cruise ship.

Lumapag naman ang ikalawang eroplano sa Travis Air Force Base sa California.

Sa kabila ng nauna nang pahayag ng ilang US officials na hindi papayagang makabalik ng Amerika ang mga nagpositibo sa COVID-19, 14 na pasahero ang nakasama sa naturang flight matapos ang last minute confirmation na kanilang natanggap na positibo ang mga ito sa sakit.

Ayon sa US State Department, umabot ng 40 minuto bago ihiwalay ang mga kumpirmadong dinapuan ng sakit mula sa iba pang pasahero.

Sinasabing halos tapos na rin ang pag-quarantine sa mga pasahero.

Bukas posibleng papayagan na ring makauwi ang halos 160 sa mga ito.
Ang iba pang grupo ay maaring sa Huwebes na.

Ang Diamond Princess cruise ship ay mayroon nang naitala na 400 kaso ng COVID-19.