Binigyang diin ni Department of Agriculture Secretary at Spokesperson Arnel de Mesa na may sapat at abot-kayang supply ng bigas sa mga pamilihan.
Kasabay ito ng katatapos lamang na wet season harvest sa buong bansa.
Ani de Mesa, aabot ng 90% ng palay ang naani at ibinenta lang ito sa halagang P22 kada kilo. Pagtiyak pa ni de Mesa, ang bentahan sa farm gate sa kasalukuyan ay nasa P23 hanggang P25 kada kilo, at ang average retail price nito sa mga palengke sa regular well-milled rice ay dapat nasa P42.80 habang ang umiiral na presyo para sa well-milled rice ay nasa P45.
Ang posibleng paggalaw ng presyo ay isang adjustment aniya dahil kokonti na lang daw ang ang mga lugar na nananatiling harvestable mula sa wet season.
Inaasahan namang aabot sa 3.063 million metric tons (MMT) ang kabuuang ani para sa Nobyembre at Disyembre.