Tinitingnan ng Department of Agriculture ang pagpasok sa mas marami pang public-private partnership (PPP) projects para mapalakas ang lokal na produksyon ng mga agricultural products sa bansa.
Ayon kay Agriculture Undersecretary for Policy, Planning and Regulations Mercedita Sombilla, kailangan ng pagtutulungan ng pamahalaan at ng pribadong sektor upang matugunan ang pangangailan ng mga magsasaka lalo na sa mga pasilidad at iba pan kagamitan.
Ayon kay Sombilla, maraming mga proyekto sa agriculture sector na maaaring ipasok sa ilalim ng private-public partnership ngunit may mga pangamba ang pribadong sektor dahil sa ibat ibang salik, katulad ng climate change.
Gayonpaman, umaasa ang opisyal na makikita rin ng pribadong sektor o mga investors ang potensyal ng pakikipagtulungan sa pamahalaan para mapalakas ang pagsasaka.
Sinabi ng opisyal na hiniling na rin nila sa kanilang mga regional offices na tukuyin ang mga proyekto na maaaring maipasok sa private-public partnership.
Kabilang dito ang mga production at postharvest facilities, agri-fishery industrial business corridors, agricultural laboratories, testing centers, atbp.