-- Advertisements --

Pupulungin ngayong araw ng Department of Agriculture ang mga stakeholders para malaman ang muling pagsipa ng presyo ng sibuyas sa mga pamilihan sa bansa.

Ayon kay Agriculture Secretary Kristine Evangelista, na mayroong mga paggalaw sa farmgate price ng sibuyas na mula sa dating P100 ay naging P120 na ito.

Sa mga iba’t-ibang pamilihan ay tumaas rin ang presyo ng sibuyas kada kilo na dati ay nasa P170 ito at ngayon ay nasa P200 na.

Malalaman ng DA sa nasabing pulong kung saan bahagi ng value chai nagkaroon ng pagtaas ng sibuyas.

Isa sa mga tatalakayin ay ang calibrated importation upang ito ay pag-aralan ng husto at maipatupad sa tamang panahon.