Pinag-aaralan ngayon ng Department of Agriculture (DA) ang potensyal na paggamit ng seaweed bilang alternatibo ng pagkain ng mga hayop o commercial feeds.
Ito ay bilang tugon ng ahensiya sa patuloy na pagtaas na presyo ng commercial feeds sa mga merkado sa buong bansa.
Maliban sa magandang supply ng pagkain ng mga hayop, ang seaweeds o mga halamang dagat aniya ay cost-eefective feeds para sa ibat ibang mga hayop katulad ng mga manok, at iba pang livestock.
Paliwanag ng DA official, ang mga halamang dagat ay mayaman sa antioxidants at maaaring makakapagpahaba pa sa buhay ng mga hayop.
Maliban dito, maganda rin aniya itong source ng iba pang nutrients na kinakailangan ng mga hayop, katulad ng protein, atbp.
Ayon kay Usec Savellano, mataas ang produksyon ng Pilipinas sa halamang dagat.
Sa katunayan, noong nakalipas na kwarter ng kaslaukuyang taon ay nangunguna ang seaweeds bilang pinakamalaking produksyon mula sa sektor ng pangisdaan.
Batay sa datus ng DA, umabot ang seaweed production ng Pilipinas sa naturnag panahon ng hanggang sa 365,775 metriko tonelada. ito ay 33.8% ng kabuuang fishery products ng Pilipinas.