-- Advertisements --
EL NINO

Patuloy ang isinasagawang pagbabantay ng Department of Agriculture sa mga posibleng maging epekto ng El Niño phenomenon sa bansa partikular na sa bahagi ng Central Luzon at lalawigan ng Isabela.

Ito ay sa gitna ng inaasahang matinding magiging epekto ng El Niño sa naturang mga lugar.

Ayon kay DA Assistant Secretary Kristine Evangelista, kaugnay nito ay kasalukuyan na ring nagsasagawa ang National Irrigation Administration ng fast tracking sa irigasyon sa probinsya ng Isabela.

Sa ngayon ay mayroon na rin aniyang mga plano na inilatag ang gobyerno para upang maibsan ang epekto ng El Niño sa bansa na nakatakdang namang ilabas ngayong linggo.

Samantala, bukod dito ay naglunsad na rin ng iba’t-ibang mga livelihood programs ang DA para naman sa mga magsasakang posibleng lubhang maaapektuhan ng El Niño phenomenon.