-- Advertisements --
Tiniyak ng Deparment of Agriculture mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa hanggang sa katapusan ng taon lalo na ngayong holiday season.
Kanila ding binabantayan ang paggalaw ng mga presyo ng bigas at karne lalo na at inaasahan na tataas ang nasabing demand ng nabanggit na mga produkto.
Aminado rin ang ahensiya na mayroong epekto sa mga presyo ng imported rice ang nararanasang tag-tuyot ng China.
Mayroon din aniya silang mga programa para matiyak na hindi magkaroon ng oversupply ng mga bigas sa bansa.