Bago matapos ang taon ay maibabahagi na ng buo ang P10-bilyong Rice Competitiveness Enhancement Fund (RCEF) na isa sa mga probisyon ng Rice Tariffication law.
Ito ang inanunsyo ni Sec. William Dar kasunod ng pagpasok ng naturang pondo sa mga implementing agencies ng Department of Agriculture.
Sa ilalim nito target ng Philippine Rice Research Institute na makapag-distribute ng 2.12-milyong bag ng binhi para sa anihan sa 2020 ng 1.6-milyong ektarya ng palayan.
“Mayroon nang activity or part of the component na dumaan na sa proseso at mayroon nang budget to support the activity and it’s almost going to the next level,” ani Dar.
Nagpapatuloy na rin daw ang bidding ng Philippine Center for Post-harvest Development and Mechanization sa mga makinarya at gamit sa pagsasaka.
Kung maaalala, sakop ng ipinasang batas ang paglalaan ng ayuda sa mga lokal na magsasaka.
Hahatiin ang RCEF pambili ng mga gamit, seedlings, pagpapalawig ng utang sa mga magsasaka, at paglalaan pondo para sa training ng rice farmers.