-- Advertisements --

Naninindigan ang Department of Agriculture (DA) sa desisyon nito na pag-aangkat ng isda bilang bahagi ng pagbabalanse ng gobyerno para mamintina ang suplay.

Ito ay sa kabila pa ng pagtutol mula sa grupo ng mangingisda na Pambansang Lakas ng Mamamalakay ng Pilipinas (Pamalakaya).

Para sa naturang grupo, makakadagdag ang pag-aangkat sa pasanin ng mga lokal na mangingisda kasabay nito bababa din aniya ang halaga ng locally-produced na produktong isda sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong petrolyo.

Subalit giit ni Agriculture spokesperson Assistant Secretary Noel Reyes na ang naturang hakbang ay mahalaga gayong tinatayang babagsak ng 90,000 metrikong tonelada ang suplay ng isda ngayong taon.

Paliwanang ng DA official ang kanilang ginagawa ay pagbabalanse dahil sa maliit aniya ang huli sa mga isda sa karagatan. Sinasabi aniya na maraming suplay ng isda subalit nananatiling kulang ang infrastructure.

Aniya, maliban sa maliit na huli ng mga isda, ang closed fishing seasons ay nakadagdag sa kakulangan sa suplay.

Ipinapatupad kaso ang closed fishing seasons sa Davao Gulf, Visayan Sea, Sulu Sea, at Northern Palawan mula ngaying buwan ng Hunyo at sa magkakaibang timelines.

Subalit paglilinaw naman ng DA official na hindi lamang ang importasyon ang solusyon at kailangan ding i-advance ang konstruksyon ng imprastruktura na kailangan ng mga local fishers para matulungan silang mapadami ang kanilang huling isda.

Kaugnay nito, hinimok ng DA ang papasok na Marcos administration na maglagay ng premium sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) para mapataas ang suplay ng isda sa bansa.

Top