-- Advertisements --

Tiniyak ng Department of Agriculture (DA) na mananagot ang lahat ng mga personalidad na umano’y sangkot sa big time smuggling ng mga agricultural products dito sa Pilipinas.

Kasunod nito, hinimok ni DA Assistant Secretary and Spokesperson Noel Reyes, ang publiko na agad i-report ang sino mang sangkot sa smuggling na sumisira sa produkto ng mga local farmers dito sa bansa.

Sa pamamagitan daw ng mga reklamo ay maaaksiyunan ng DA ang smuggling sa pamamagitan ng pagsasampa ng kaukulang administrative charges.

Puwede raw makipag-ugnayan ang mga magsasaka sa Marketing Department ng DA para kahit papaano raw ay m alleviate the impact of the smuggling problem.

Una rito sinabi ng League of Associations at the La Trinidad Vegetable Trading Areas na paglaganap ng smuggled vegetable products ay dekada na umanong problema ng bansa na siyang nagiging dahilan ng pagkalugi ng mga magsasaka sa naturang rehiyon.

Sa carrots pa lamang daw ay aabot na sa P2.5 million ang pagkalugi sa kada araw dahil sa mga smuggled na carrots.

Kung maalala noong Lunes nang magsagawa ang Senado ng pagdinig sa smuggling ng mga gulay.

Agad namang kinondena ni DA Secretary William Dar ang hindi na pinangalanang high-ranking personalities at ang iligal na pagpasok ng ilang vegetable products sa bansa.