Tiniyak ng pamunuan ng Department of Agriculture na sila ay nananatiling committed sa pagbibigay ng kaukulang tulong sa mga magsasaka na naapektuhan ng El Niño sa bansa.
Dahil dito, namahagi ang ahensya ng higit 5,000 bags ng vegetable seeds sa mga apektadong magsasaka sa Western Visayas.
Ito ay nagkakahalaga ng aabot sa ₱990,000.
Ayon sa ahensya, ito ay inaasahang pakikinabangan ng aabot sa 198 na mga magsasaka.
Target rin ng DA na bumili ng mga planting materials para sa high value crops na ilalaan naman sa Zamboanga Peninsula.
Patuloy rin ang pagsasagawa ng ahensya ng cloud seeding operations, pest control management, at paghikayat sa mga magsasaka na magtanim ng drought-resistance crop varieties sa kanilang mga sakahan.
Sa pinakahuling datos ng El Niño bulletin, sumipa na sa ₱151.3-million ang halaga ng pinsalang idinulot ng El Niño sa mga sakahan partikular na sa Western Visayas at Zamboanga Peninsula.
Halos 4,000 na libo na mga magsasaka ang apektado ng tagtuyot sa bansa.
Iiindorso naman ng DA ang mga apektadong magsasaka sa DSWD, DOLE at iba pang ahensya ng gobyerno para sa mga karagdagang tulong sa mga mga ito.