-- Advertisements --

Sinimulan na ng Department of Agriculture (DA) ang pamamahagi ng seedlings ng mga gulay sa mga residente ng Metro Manila sa gitna ng enhanced community quarantine bunsod ng COVID-19 crisis.

Sinabi ni Agriculture Sec. William Dar na hangad nila sa inisyatibang ito na matiyak ang food security sa bawat tahanan ng mga apektadong pamilya bunsod ng kinakaharap na krisis dahil sa pagkakaroon ng urban garden.

Ayon kay Dar, ang Agriculture Training Institute (ATI) at Bureau of Plant Industry (BPI) ang in charge sa pamamahagi ng seedlings sa Metro Manila.

Ang kailangan lamang aniyang gawin ng mga residente ng Metro Manila ay tumawag sa ATI at BPI upang ang mga kawani ng naturang dalawang ahensya ang siyang pupunta sa mga barangay para mamahagi ng seedlings.

Maaring tumawag aniya ang mga residente sa 09160534831 o 19655245187 para ma-contact ang BPI.

Mababatid na hanggang Abril 30 pa ang umiiral na enhanced community quarantine sa buong Luzon.