-- Advertisements --
SIBUYAS 2

Ipinahayag ng Department of Agriculture (DA) na kasalukuyan pa nitong isinasaayos ang ikalawang cycle ng bentahan ng murang sibuyas sa mga Kadiwa store. m

Ayon kay Agriculture Assistance Secretary Kristine Evangelista, sa ngayon ay nakikipagnegosasyon pa ang DA sa Food Terminal Inc. (FTI) para rito.

Nakadepente pa kasi ang susunod na cycle ng murang sibuyas sa Kadiwa stores sa magiging supplemental memorandum of agreement (MOA) ng kagawaran sa FTI.

Aniya, sa ngayon ay naghihintay pa raw kasi ng liquidation at inventory report ang DA hinggil sa naging unang cycle ng pagbebenta ng sibuyas sa mga Kadiwa store kung saan aabot sa Php140 milyon ang halaga ng budget na inilaan dito para sa pagbili ng mga sibuyas sa pamamagitan ng FTI.

“The liquidation report from the FTI will be important to see how much of the funds were used and fund management as well. We also asked for a list of farmers and where they bought the onions, as well as the sales inventory, remaining stocks…,” ani Evangelista.

“For the second cycle, ito ang kailangan pag-usapan with the FTI. The proceeds of the sales ang gagamitin pambili muli ng sibuyas,”

Kung maalala, mula noong Biyernes, Enero 13, 2023 ay huminto na sa pagbebenta ng pula at puting sibuyas sa mga Kadiwa stores sa murang halaga na Php170 kada kilo, ‘di hamak na mas mura ito kumpara sa Php600 hanggang Php700 na halaga kada kilo sa maraming mga pangunahing pamilihan sa buong Metro Manila.