-- Advertisements --

Nagpatupad na ng Import ban ang Department of Agriculture sa mga poultry products na mula sa Belgium at France dahil sa pagkalat ng bird flu sa naturang mga bansa.

Sa ulat ng ahensya , ang mga manok sa mga nasabing mga bansa ay apektado nga ng Highly Pathogenic Avian Influenza kabilang na ang mga wild birds
Sa isang pahayag, sinabi ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na layon ng import ban na ito na maiwasan ang posibleng pagpasok ng naturang virus sa Pilipinas.

Ayon sa ahensya, kabilang sa mga ipinagbabawal ay ang poultry meat, day-old chicks, hatching egg, at poultry semen sa bansa.

Nilinaw naman ng ahensya na ang meat imports na nasa transit na bago ang ban ay papayagan pa ring makapasok sa bansa,.

Ito ay kung ang manok ay kinatay o ang mga produkto ay ginawa noon o bago ang Nobyembre 12, 2023 para sa France, at Nobyembre 16, 2023 para sa Belgium na apektado ng bird flu.