-- Advertisements --
rice farming agriculture bulacan july 10 2022 004

Pinag-aaralan na rin ng Department of Agriculture ang mga industriya sa bansa na maaaring maapektuhan sa gitna ng kaguluhan sa bansang Israel.

Maalalang kahapon ay tiniyak ngnaturang ahensiya na hindi lubusang maaapektuhan ang agrikultura sa bansa.

Sa food production ng bansa, kasama na ang local agricultural production, inaasahan aniyang walang magiging epekto ang kaguluhan.

Pero ayon sa DA, naghahanda pa rin ito ng mga karagdagang contingency dahil sa naturang kaguluhan, lalo na kung magtagal pa ito.

Katuwang kasi ng Pilipinas ang Israel sa water management at fertilization sa mga sakahan sa bansa at ito ang pangunahin nitong pokus sa ngayon.

Ang Israel ay isa sa mga trading partner ng Pilipinas sa loob na ng mahabang panahon.