-- Advertisements --

Naglabas na raw ang Department of Agricture (DA) secretary na si Domingo Panganiban ng memorandum upang ipaalala sa Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., na kasalukuyang namumuno sa DA para maibalik ang Philippine Crop Insurance Corporation (PCIC) sa agriculture department.

Sinabi ni Panganiban ang direksiyong nais ni Pangulong Marcos Jr.

Ito ang inihayag ni Agriculture Senior Usec. Domingo Panganiban matapos mausisa ng mga mambabatas sa budget briefing ng ahensya.

Una na ng sinabi ni Leyte Rep. Richard Gomez ang hindi nagbagong halaga ng Appropriation ng PCIC para sa 2023.

Paliwanag ng DA, ang DBM ang nag apruba sa naturang budget na ipatutupad ng DOF.

Natanong tuloy ni Appropriations Senior Vice Chair Rep. Stella Quimbo kung mas maigi na ibalik na lamang sa ilalim ng DA ang PCIC tulad ng ang Phil Health na nasa ilalim ng DOH.

Umaasa si Panganiban na agad ding tutuparin ng presidente ang naturang paglilipat.

Kung matatandaan batay sa EO 148 nang nakaraang administrasyon, mula DA ay inilipat ang PCIC sa DOF.