Magsasagawa ng imbestigasyon ang Department of Agriculture (DA) kaugnay sa claims ng artificial shortage sa asukal na nagdulot ng pagtaas ng presyo ng naturang produkto.
Ayon kay Undersecretary for consumer and political affairs Kristine Evangelista, nakatanggap sila ng complaints ng artificial shortage ng partikular na produkto at nagsasagawa din ang ahensiya ng beripikasyon sa natatanggap nilang mga reklamo ng hoarding o manipulasyon at kung sakaling mapatunayan na ito ay totoo gagawa sila ng karampatang hakbang.
Muling bubusisiin din ng DA ang cost structure ng presyo ng asukal.
Ayon sa Da official, na kailangang maitama ang presyo ng asukal mula sa production dahil kailangang maprotektahan ang mga consumers.
Nakatakda namang makipagpulong ang Da sa industry stakeholders para makabuo ng bagong cost structure na magsisilbing basehan para sa pagpresyo ng produktong asukal sa mga susunod na buwan gayundin pag-uusapan ang iba pang usapin kabilang ang nakaambang kakulangan ng suplay.
Tatalakayin din kung magpapatupad ng suggested retail price para sa asukal at punan ang supply deficit sa pamamagitan ng importasyon.
Sa Metro Manila, ibinebenta ang pinong asukal sa mga supermarkets sa mababang presyo na nasa P69.30 kada kilo hanggang sa P115 kada kilo habang sa wet ,arkets naman ay nasa P88 hanggang P95 kada kilo base sa price monitoring ng Sugar Regulatory Administration’s (SRA).
Ang retail prices naman ng raw sugar sa supermarkets ay ibinebenta sa halagang P54.20 hanggang P82 per kg habang sa wet markets, nasa P65 to P70 per kg.